Thanks God its "offday"..nakatapos na naman ng isang linggo at restday ko na naman!!excited ako xiempre, mkakalabas na naman ako ng lungga ko d2 sa BYC.after a week of battle sa kusina ay makakalanghap naman ako ng sariwang hangin sa labas.At masaya akong magrerestday kasi nga ung simpleng luto ko ng mussels na ginisa sa butter at garlic ay napuri pa ng guest at isinuggest sa aming Manager na ilagay sa aming menu..wow!bonus na sa akin ung appreciation pro ung ilagay pa sa menu namin is malaking karangalan para sa akin, feeling ko chef talaga ako!!hahaha!!eto pa, isipan ko daw ng magandang pangalan ang luto ko sabi ni sir yaseen, hahaha!!anu nga kaya?dapat sosyal ang pangalan para kunwa namay mahirap lutuin..hmm, mussels ala tuts, hmp!!baho naman ng dating..parang inututang tahong lang..hahaha!!bahala na sila basta ang mahalaga ay mapasama sa menu namin ung luto ko.yahooo!!thank you Lord ulit!!
so update ko lang, last thursday diba is nagkaroon kami ng LQ ni papa soopy, hehehe..i thank God kasi noong saturday is sya na mismo ang bumati sa akin at nagstart ng usapan, God is really great!!talagang pag ipinagpray mo, dinidinig nya at kung ikaw na mismo ang magpapakumbaba, lahat ay maayos.salamat sa Diyos kasi agad nya akong pinapaalalahanan kapag nawawala ako sa katinuan ko.talagang anduon lagi ung conviction once may ginawa kang mali, sabi nga ni mike enriquez, "hinding hindi ka nya tatantanan!" para paalalahanan at kunsencyahin.
Plano namin ni jinky na dalawin si pareng glenn at zen sa bago nilang bahay kasi ngay lumipat sila ng flat last week..ayos pede na kong makitulog sa knila once gabihin ako sa kabayanan at walang transport..tsaka yung maglakad lakad ang pinakapaborito naming ginagawa ni jinky, kasi doon kami nakakapagbonding ng maayos at the same time, naeexercise na din cya, un ay kung medyo malamig at ayos ang panahon kasi pag mainit ay para akong nauupos na kandila, di pa man nakakalayo eh lowbatt na agad.,hehe..actually, wala namang problema sa akin kung tumaba sya, e ung buong siya naman ang minahal ko di ung figure nya.kumbaga ako si jack black sa pelikulang "shallow hal".ang nakikita e ung kabutihan ng puso kesa sa panlabas na kaanyuan, ang kaibahan lang, kayang kayang dalhin ni jinky ang sarili nya kahit may pagka chubby siya kaya naman perfect siya para sa akin.ewan ko lang kung di ako awayin nun kapag nabasa nya ito..hehehe..
so un lang naman ang mailalagay ko dito kesa naman sa magkwento ako ng mga balita ngayong buong linggo na ang laman halos ay si "lolong", ang pinakamalaking crocodile in captivity ngayon..need kong magrest kasi sabak ako bukas sa diskusyunan namin ni "ling".
No comments:
Post a Comment