Sunday, September 4, 2011

chef tuts..the beginning..


Hamza, Suresh, Soopy, Arun, Prasad, Tuts, Gangga

Grabe, feeling ko sulit lagi ang bayad sa akin, ganito na lang lagi pag ang kasama ko sa duty e itong si "executive chef" na si Hamza,isang indian na galing sa kerala india.di ko alam kung bakit naging executive chef tong taong to, di naman marunong magspell ng ingles at magsulat ng maayos, ultimo spelling ng best seller naming dish dito sa Bahrain yacht club, imbes na chicken curry, ang  sinusulat nya sa billbook e chiken carry,anu daw???buti na lang nangggaling din ako sa ganung klaseng magspell nung bata pa ko.kaya pag babasahin ko ang order ay nagtatanong pa ko sa kanya kung ano ang order,imbes na mapadali, lalong napapatagal.at naku kamo pa,,sa lahat ng nakita kong kusinero, cya itong ubod ng kalat, di marunong magbalik o magsaayos ng mga ginamit sa kusina, mistula tuloy binagyo ang prep table namin pagkatapos ng isang order, parang palengke!!hahaha, minsan or madalas tinatawanan ko na lang ang katamaran ng taong to, napapailing na lang ako sa ugali meron ang panang to.opps, di pa ko tapos sa kanya, tutal andito na to eh, nailabas ko na sama ng loob ko,ubod pa kamo ng yabang ang taong to, akala moy pgkaguwapo, kalakas naman  ng amoy!kaya pag summer, naku, kahit ako na lang ang magkikilos, wag lang mga kasama ko kasi tiyak pag napagod, sisingaw ang amoy!!hahaha..kyu na lang tumingin sa litrato namin sa taas para makilala nyo naman kung sino ang mga kasama ko sa trabaho.
pero, gaanu man ako kainis o kapagod sa trabaho, lagi ako nagpapasalamat sa Panginoon kasi siya ang nagbigay sa akin ng trabaho na ito, na noong bata pa ko ito na ang pangarap ko..Paano?

Noong ggraduate na ako sa high school, culinary arts ang gusto kong kuhanin sa kolehiyo, ung nga lang dahil kapos naman kami sa pera, naenggganyo ako sa pinsan kong si jojit na kunin na rin ang kursong kaniyang inaaral noon na associate in marine transportation,,na kapagka graduate mo eh, makakasampa ka daw sa barko kaagad.O cya cge , aral naman si kolokoy, at ayun nga sa pagpapala ng Diyos eh nakagraduate din ako ng kurso na ito year 2000 pero sa taong 2002 pa ako nakasampa ng barko,sa isang kompanya sa pilipinas na siyang nangunguna sa domestic shipping industry,ang "Superferry".at ang trabaho ko??hindi deck cadet gaya ng inaasahan ko sa kurso ko..nuong una ako ay tagabenta ng mga kung ano anong klaseng pagkain sa barko, na ang sistema ay ilalako sa bawat deck ng barko na may pasahero,,ang tawag sa amin ay "rover"..wow,sa umpisa  di ko alam kung paano ko nagawa ang ganitong tagalako ng mga pagkain,,nahihiya ako kasi ba ang dating e naging sosyal lang kasi nga nakasakay kami ng barko pero kung tutuusin, walang kaming pinagkaiba sa yosi vendor sa kalye!buti na lamang ay natutunan ko ang mag cashier kaya di naglaon ako ay nadestino na lamang sa isang outlet ng barko, hay, promoted kumbaga..un nga lang tagabenta pa rin ng "sarisari store".di ko naman pinagsisihan ang naging buhay ko sa barko kasi nga ang benefits na nkukuha nmin doon ay nakakapamasyal ka na ng libre sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, may sweldo ka pa, may babae ka pa!!bastat magaling ka lang mambola.Taong 2004 ng ako ay bumaba ng barko, hmm..nghanap ng ibang kapalaran kasi nga ayokong maging pabigat sa amin, tsaka sino ba namang tao ang gustong tumambay na lang.kung mayaman ako bakit hindi, e kaso kami ay mahirap lamang.pagkatapos ko sa Superferry, naging lifeguard naman ang sumunod kong trabaho doon sa isang resort sa aming lugar, ang Jed's island resort, one of the biggest resort in luzon.,,kasarap din namang magtrabaho doon, may libreng swimming ka na, tiyak namang malilibang ka sa dami ng tao na animoy mga itik na nagsisipaligo sa isang malaking batya.nagtagal din ako doon ng kulang 2 taon kasi nga ako ay naging regular na lifeguard kahit hindi summer.
Taong 2007 ng ako ay magapply paabroad naman, eto nga sa bansang bahrain, di ko nga alam na may bansa palang Bahrain..san ang bagsak ko?sa Jasmis restaurant, isa sa pinakasikat na fastfood chain dito sa bansang arabo, hmm, walang problema kako, ang mahalaga ay makapagabroad at maiba ang buhay, tsaka kako di ko na kinakailangan manibago kasi nga akoy galing na rin sa fastfood sa pinas, madali na lamang ito, kaunting adjustment lamang.ao aun nga, nagpatuloy ang mga araw di ko namalayan na nakakadalawang kontrata na pala ako sa Jasmis, naisip ko, walang mangyayari sa akin kung sa fastfood ako tatanda, di habang buhay ako ay malakas at pepede sa ganitong uri ng okupasyon.wala akong "true identity" kumbaga matatawag na doktor, nurse, abogado, engineer, architect, malayo sa mga ganoong kategorya

.Nang malapit na matapos ang pangalawang kontrata ko, ako ay nagapply apply na sa pamamagitang ng internet, diyaryo, at mga sabi sabi ng mga kaibigan..kung saaan may opening, cge lang pasok, apply d2 apply doon..nakalimutan ko na kung ano talagang trabaho ang gusto ng puso ko..matagal din kaming nagppray nga aking kasintahan na si jinky patungkol sa aking planong paglipat ng trabaho, ang aming panalangin ay maayos na trabaho, disenteng sweldo, at ung will nga ni Lord.Hanggang dumating nga ang isang araw, tinawagan ako ni jinky kasi may mag email sa akin para sa isang trabaho na inaplayan ko..Chef ang hanap..hala sabi ko na lang sa sarili ko, bakit ako tinawagan nito e di naman ako Chef?fastfood worker ako.baka pumalpak ako dito o kaya isa lamang ito sa mga interview na ang susunod na sasabihin sayo ay, "dont call us, we will call you".hay, bahala na sabi ko, mahalaga puntahan ko para makita na interesado ako.Sus!!pagkakataon nga naman, nasabay pa sa isa pang interview, ito namay kako baka umayon kasi nga ang hanap ay fastfood worker din,so samakatuwid, may edge ako dito.Dumating ang araw ng interview, 1pm ang usapan sa unang interview ko sa EZ burger, at 4pm naman sa Bahrain yacht club, alas 3 na di pa ko naiinterview sa EZ burger!sabi ko, kung di ako umabot e di hindi na lang ako pupunta kako.4pm na ako natapos s interview ko, so ininform ko na lang ang BYC na di na ako aabot kasi nga nasa seef area pa ako e ang BYC ay sa Sitra, parang north to south, east to west kumbaga.sabi sa akin ni maricel ay humabol daw ako at ipapaalam nya na malalate ako, sabi nya sayang kasi ang interview kung di mo sisiputin, tanong ko kung ilang na ba ang nainterview?"mga lima na kuya", para bang nawawalan na ako ng pagasa kako baka mapamasahe lang ako nun e kailangan ko ng mgtipid kasi nga lumilipat na ako ng trabaho, bawat dinares mahalaga.hay, nagtatalo ang aking damdamin kung pupunta pa ba ako o uuwi na lang ako at makukuntento na ako sa EZ burger na nagooffer sa akin ng 200, pero walang bahay, transportation lang.so ang labas e 140bd  to 150 bd lang ang takehome pay ko.hmm, pede na kesa sa dating 115 bd, atleast nagtaas naman, hehehe.dumating ang sundo ko ng mga 4:30 na yata, sbi ko sa kanya kailangan naming umabot sa BYC ng alas singko kasi nag raw aantayin ako ng interviewer.naku parang lumilipad kami ni subeer sa bilis ng pagmamaneho nya, lahat ng pedeng ishortcut pinapasok namin, pati nga ung sa may ginagawang tulay, deadend pero pinasok namin, kahit sumayad ung ilalim ng sasakyan nya sa gutter ng bangketa, ok lang daw sabi nya makarating lang kami kaagad.jan ako bilib sa driver ko eh, da best na, mabait pa.saktong alas singko ako kami makarating sa BYC, takbo agad sa interviewer, patay kako, parehong Briton..mapapalaban ang english ko neto.so aun, tanungan dito tanungan duon ang ngyari,..my best dish kako??sinigang!!teacher??si nanay xiempre..natapos ang interview ng mga 15 minutes din un.grabe kako, napalaban ang english ko, pero im quiet satisfied with what ive said kasi ramdam ko naman pag may out of this world akong sinagot eh, babalik balik sa isip ko ung kapalpakan ko.pagpray na lang kako kung alin ang ibibigay ni Lord sa akin..After a week, nakatanggap ako ng email galing BYC nag ooffer sa akin ng mas disenteng halaga, may bahay na at libre ang pagkain, un nga lang sa compound ka  mismo ng BYC nakatira..hmm mababa kako, pero sa puso ko at isipan ay ito ang gusto ko kasi nga "Chef",nakaunipormeng long sleeves na puti at checkered na pantalon.pinagpray namin ni jinky na ito na ang kukunin kong trabaho kasi nga duon ay maggrow ako at mas makakabuti ito para sa future namin ni jinky, kumbaga pede ko ng pagtandaan ang ganitong propesyon, ika nga din, may "true identity" na ako, matatawag na akong "Chef tuts".

So ayun nga, isa na akong "chef" ngaun pero kung talagang ilalagay mo sa category is kami ay nasa "commis" kasi ang isang chef ay ung halos marunong na sa lahat, at bossing na sa kusina, utos dito utos doon na lang ang ginagawa.kakaunting luto na lang.gayunpaman, masaya na ko na pag sinabing chef ka, kusinero ka para sa mga di nakakalam ng tunay na kahulugan nito...duon ko muling naisip ung pangarap ko noong ako ay papasok sa kolehiyo na gusto kong kumuha ng culinary arts, ito ang naging trabaho ko kahit hindi ako naggraduate ng kursong iyon.napakahusay talaga ng Panginoon!!sabi nga ni Pastor Rommel Guevarra," ung mga panalangin natin na nakalimutan na natin, sa Panginoon, hinding hindi nya makakalimutan yon."Dun ako lalong bumilib sa Diyos kasi di nya ipinagkait sa akin ung pangarap ko na maging kusinero...

ang natutuhan ko habang tinatype ko to, maging masaya sa trabaho kasi ito ung pangarap ko, kahit anung pagod o hirap ang danasin ko sa kusina, kahit ilang paso o hiwa ang tamuin ko,kahit feeling ko argabyado na ako sa mga kasama ko...masaya akong magluluto kasi natupad ang pangarap ko..
hanggang sa muli!!

No comments:

Post a Comment