Monday, September 19, 2011

''GW''













for better or for worse, through thick and thin, through sickness and in health..mapa tumaba o tumanda, ikaw pa rin duday..hehehehe

"series of unfortunate events"...di nga???

Isang linggo na naman pala un at mag ooff na naman ako mamaya..grabe tong week na to, daming kakaibang pangyayari sa adventure ko..

starting with 1st time ko makalanghap ng sariwang hangin na may kasamang teargas..hehe..oo teargas..kakaiba pala ang nateteargas..umuwi ako galing kila jinky at sa TEE class ko dito sa sitra, akala ko nung una ay payapa at mukang walang gulo kasi ngay napaka smooth ng kalsada at drecho lang ang way namin ni subeer.pero pagbaba ko sa sasakyan e akala ko nung una ay pagod na ako at inaantok na kasi maluha luha agad ako pagbaba..pagpasok ko sa bahay masigla naman ako kako, bat parang naiiyak pa rin ako..di ko pa rin pinansin at kako marami pa kong gagawin, kailangan ko pang linisin ung mga isdang binili ko mula sa bayan bago ko iref.
habang naglilinis ako eh humahapdi na ang mata ko at dun nga nagduda na ko na baka teargas to galing sa looban ng sitra kung saan madalas ang gulo, ncomfirm ko na di lang ako ang nakakaramdam nun ng lumabas si hamza mula sa lungga nya at naghilamos, naiiyak daw sya sa teargas,,hahaha!!1st time ko to!!kaya naman sabi ko di na ko estranghero sa teargas,,para na rin akong sumali sa mga protesta sa Pilipinas.di na ko bago kung sa susunod ay makalanghap muli ako, laki ba naman ng ilong ko eh ewan ko lang kung makaligtas ako sa ganung sitwasyon, buti naman pala ay tahimik akong tao at ayokong nakikisali sa mga gulo, kundi pasok lahat ng teargas sa ilong ko, parang vaccum cleaner, hahaha!!api na naman si tuts!!

and guess what?late na naman ako ng thursday kasi morning shift ako, pareho kaming pang umaga ni raul, nauligan ko naman na gumising na sya at pumasok pero ewan ko ba at sobrang nakakahalina etong higaan ko, para kang nasa 5 star hotel sa sarap ng lapat ng likod ko, akmang akma..kumbaga may hulma na to na sakto pagkahiga ko..kung di p ako tinawagan ni raul ng 8:10, baka alas dose na ako magising, hay..palpak na naman ang thursday ko.ang maganda lang e nasa mindset ko na wag magpadala sa emosyon ng pagiging late at lalong masisira ang araw, baka magaway na naman kami ni papa soopy..hehehe.natapos ang duty ko na inaalalayan ko ang sarili ko sa mga padampi damping inis at manaka nakang asar,,pero masarap kasi ngay natapos to ng wala akong nakaaway o nasigawan sa kitchen, praise God, achievement un..
Raul and i treated ourselves sa pag iihaw ng bangus kinagabihan, un kasi ung matagal na rin naming pinagkkwentuhan,magihaw sa likod ng bahay namin kasi ngay napaganda ng pwesto, kumbaga sa mga tomador ay pwedeng "placing ".dito rin kami nagtatanim ng mga halaman kasi gusto namin ni raul na gumanda ang labas ng bahay namin lalo na kung maraming halaman na nakapaligid, parang ansarap tumambay sa labas pag ganun..pero wag ka, ang tanim namin ay kangkong at ung halaman sa caltex na pinopormang bilog, di ko kasi alam ang pangalan kaya "halaman sa caltex" ang tawag ko.meron ding aloe vera na pang lagay sa manipis kong buhok sa noo..
BYC inihaw na bangus..


Butcher tuts

Dumating ang friday which is our busy day..at talaga namang busy kasi magkakandahumahog ka sa kahahabol ng orders at kaluluto, ito na ung araw na pinaghahandaan namin every week kasi dito dagsa ung mga members ng BYC..So sige, luto dito luto doon ang nangyari kasi ngay napakarami nang pending orders pagdating ko ng 2pm..hanap pa ko ng magagawang orders, dumating ang problema..ang sistema kasiy ako lang magisang pilipino dito sa kitchen, lahat silay indian, at lahat ay puro HINDI ang sinasalita..gumawa ako ng order according duon sa reciept, ng matapos tumawag ako ng waiter para iserve na, kasabi sabiy white bread daw imbes na brown na siyang nakasulat sa bill..tsaka naman sinangayunan ni Hamza na un daw ang tawag sa order..so umakyat ang dugo ko sa ulo,sabi ko sa kanila sa susunod kasi everybody should speak in english so everybody can participate or know what are the changes in the order, kung kelan tapos na aysus!!..natahimik ang lahat kasi nga namay tama ako..
Sa totoo lang ito ay isa lamang sa mga pinoproblema namin ni Raul sa mga kasama namin, usap ng usap ng kanilang lengguahe kahit mga nakaharap kami kaya naman di namin maintindihan ang instructions, kinakailangan pa namin silang tanungin ulit kung anu ba..sabi nga ni Vicky "until now you dont know?" yan ang turan kay raul pag di nya alam ang isang bagay..susmarya katilpo naman.. common sense naman panu namin malalaman ang isang bagay kung sa salita nyo lang sinasabi....anu kami?miss universe na kailangan ng interpreter??english boy,english!!
di naman sa mayabang ang dating ko nung kinorrect ko si edmond ng umorder sya sa amin, kasi ba naman Hindi na naman ang ginamit na lengguahe."excuse me, this is english speaking section, can u please say it in english?"ika ko..nagkataong kay Arun nya sinabi ung order kaya napangiti na lang itong si Arun kasi alam nyang sinabihan ko na sya kanina pa,,..ewan ko ba at wala yatang dala tong mga to, at kailangan ko pang sabihan sila pa "say it in english pls"..alam ko di naman ako ganun kabihasa sa lenguaheng ingles pero atleast tinatry ko para magkaroon kami ng maayos na communication sa trabaho..God help me pero talagang sinusubukan nang pasencya ko.. 

1st time since dumating ako sa club na nagkaroon ako ng customer complain na dalawang sunod na araw at pareho pang steak ang order..nung sabado ay  well donned rib eye steak ang order, pagkabalik sa kitchen ay dry daw ang steak, ,ayun cancel ang order, di pinabayaran..kanina naman ay fillet steak na may plastic ang mushroom sauce,,"on the house" din..hay buhay...i just thought..i need rest...kailangan makapagrecharge..
so, un..off ko and pupunta ako kila jinky,dito lang ako nakakapagrecharge  after a long week ng trabaho at para naman mawala ang pagod na naramdaman ko sa mga customer complains ko..

by the way nung saturday ay 22nd monthsary namin ni jinky,,praise God for his wonderful works sa buhay namin ni jinky..iba talaga pag si Lord ang foundation ng isang relasyon..thank you Lord..

lovely isnt she?

Monday, September 12, 2011

off ni dudong..

 Thanks God its "offday"..nakatapos na naman ng isang linggo at restday ko na naman!!excited ako xiempre, mkakalabas na naman ako ng lungga ko d2 sa BYC.after a week of  battle sa kusina ay makakalanghap naman ako ng sariwang hangin sa labas.At masaya akong magrerestday kasi nga ung simpleng luto ko ng mussels na ginisa sa butter at garlic ay napuri pa ng guest at isinuggest sa aming Manager na ilagay sa aming menu..wow!bonus na sa akin ung appreciation pro ung ilagay pa sa menu namin is malaking karangalan para sa akin, feeling ko chef talaga ako!!hahaha!!eto pa, isipan ko daw ng magandang pangalan ang luto ko sabi ni sir yaseen,  hahaha!!anu nga kaya?dapat sosyal ang pangalan para kunwa namay mahirap lutuin..hmm, mussels ala tuts, hmp!!baho naman ng dating..parang inututang tahong lang..hahaha!!bahala na sila basta ang mahalaga ay mapasama sa menu namin ung luto ko.yahooo!!thank you Lord ulit!!

so update ko lang, last thursday diba is nagkaroon kami ng LQ ni papa soopy, hehehe..i thank God kasi  noong saturday is sya na mismo ang bumati sa akin at nagstart ng usapan, God is really great!!talagang pag ipinagpray mo, dinidinig nya at kung ikaw na mismo ang magpapakumbaba, lahat ay maayos.salamat sa Diyos kasi agad nya akong pinapaalalahanan kapag nawawala ako sa katinuan ko.talagang anduon lagi ung conviction once may ginawa kang mali, sabi nga ni mike enriquez, "hinding hindi ka nya tatantanan!" para paalalahanan at kunsencyahin.

Plano namin ni jinky na dalawin si pareng glenn at zen sa bago nilang bahay  kasi ngay lumipat sila ng flat last week..ayos pede na kong makitulog sa knila once gabihin ako sa kabayanan at walang transport..tsaka yung maglakad lakad ang pinakapaborito naming ginagawa ni jinky, kasi doon kami nakakapagbonding ng maayos at the same time, naeexercise na din cya, un ay kung medyo malamig at ayos ang panahon kasi pag mainit ay para akong nauupos na kandila, di pa man nakakalayo eh lowbatt na agad.,hehe..actually, wala namang problema sa akin kung tumaba sya, e ung buong siya naman ang minahal ko di ung figure nya.kumbaga ako si jack black sa pelikulang "shallow hal".ang nakikita e ung kabutihan ng puso kesa sa panlabas na kaanyuan, ang kaibahan lang, kayang kayang dalhin ni jinky ang sarili nya kahit may pagka chubby siya kaya naman  perfect siya para sa akin.ewan ko lang kung di ako awayin nun kapag nabasa nya ito..hehehe..

so un lang naman ang mailalagay ko dito kesa naman sa magkwento ako ng mga balita ngayong buong linggo na ang laman halos ay si "lolong", ang pinakamalaking crocodile in captivity ngayon..need kong magrest kasi sabak ako bukas sa diskusyunan namin ni "ling".

Thursday, September 8, 2011

"5 minutes syndrome"

"A bad day"..pgkagising pa lang, di n maganda ang lahat..alas 8 ng umaga ang pasok ko, pero bumangon ako ng 745am, actually nakaalarm naman ako ng alas siete kaya lang dahil sa "5 mins syndrome", eun inabot ako ng ganoong oras, kayang kaya ko to kako, sanay naman ako ng mabilisan,..dali dali akong namalantsa ng uniporme at naligo kaagad, kailangan kong pagkasyahin ang 15mins sa pagprepara ng sarili ko para pumasok.ang kagandahan lang sa sitwasyon ko eh, dito ako mismo nakatira sa worksite ko kaya  walang nagaantay na transport sa kin di gaya noong sa una kong trabaho na kailangan mo pa talagang maglaan ng oras para sa transport mo, otherwise, maiiwan ka.Samakatuwid, panalo na naman ako sa time beating..pasok!!8:01 ang punch in ko,ok pa rin kasi kako my 5 mins naman na allowance, hehehe, inisip ko parang estudyante pa rin na gang 5 mins pedeng malate..

ang kasama ko nga pala ngaun sa duty e itong si soopy, ang pinakasenior sa aming lahat ng kitchen staff at si hannan..bago pa lang si hannan kaya dagdag load na naman sa akin ung mga trabaho nya.kumbaga nga, wala pang kusa kc di pa nya alam kung paanu dumiskarte sa trabaho, tinuturuan ko naman e ang kaso parang ako ang gustong turuan, hehehe..at dagdag sa pahirap, di marunong umintindi ng english at magsalita,Arabic lng at Hindi ang alam..gulong talaga ko nung una dito kay kolokoy, lahat minomostra ko, pati kababawan ng lengguwahe, kailangan ko ring gawin, magets lang nya ang gusto ko..tipong "like this, like that, ok?malom?"tango naman tas iba ang gagawin!!hai!!patience tuts...patience...

iba talaga pag nagstart ka sa mali..sabi nga sa kasabihan pag lahat ay di umaayon sa gusto mong mangyari or sira na agad ang araw mo pagkagising, "you wake up in the wrong side of the bed"..alam mo un, ung parang kahit anong kilos mo parang may kulang or di ka satisfied, feeling mo kahit malinis na, madumi pa rin, kahit anong bilis mong kumilos, parang late ka pa rin.. at xiempre, nakakapagpawis kaagad ng kilikili!!

1st order came, 4 orders of double poached eggs with baked beans tsaka chicken mayonnaise sandwich, so inuna ko ung sandwich since si soopy ang ggwa nung mga eggs, ang toaster namin is kasya ang 8 tinapay. since kakabukas pa lng namin so di pa mainit ung toaster, samakatuwid, natapos ko ang chx sandwich and itong si soopy, kinukuha na agad ung tinapay pra sa poached eggs, sabi ko saglit lang, di pa ready,.aba sabi ba naman eh kanina pa daw luto ung itlog at malapit ng maovercooked!!tapos ang masama pa, 2 bread lang ang natoast kasi nkprogram pala for two lang ung toaster,di nkswitch sa 8!! ang siste ay 2 lang ang natoast, ewan ko nagfreakout itong si kolokoy, at ang dami ng sinabi,customer complain na daw agad!! di pa nga naiiserve, complain na agad!!abah, awayin mo na ang lasing wag lang ang late  magising!!so sumagot ako, mahinahon naman pero nararamdaman ko na ung asar sa kanya, i guess, action speaks louder than words, kasi naman pailing iling ako at palakad lakad ng wala namang pinupuntahan..since then, di na kami nagkibuan..then i remember, di ako nagpray ng maayos knina kc nga late ako kya wala sa ayos ang mga nangyayari.e dumating pa itong si kolokoy #2 na si hamza para magalmusal, sumbong agad itong si soopy kahit di ako marunong magsalita ng Hindi e marunong akong umintindi kahit papaano, eun nga sinusumbong ako ni kolokoy.sabi ko sa sarili ko magsama pa kayu, mga badbreath!!

i knew that the devil is provoking me to think of something evil and gusto nya na sirain buong araw ko, so i stopped for a while coz nararamdaman ko na sasabog na ako, i calm myself and pray to God."Lord, forgive me".yun lang and pagkapasok ni soopy, ako na ang naginitiate na kausapin siya kahit di related sa trabaho ang sinasabi ko..kumbaga maumpisahan lang at magkaroon ulit ng communication, i guess di pa siya ready kasi patango tango lang siya sa mga sinasabi ko..hmm, atleast ive done my part..

naubos ang oras ko sa pagprepare ng mga "Mis en place" nmin, lahat na yata ng ipeprepare para bukas na weekend is naprepare ko na para maging busy lang ako at madivert ang isipan ko.natapos ang duty ko ng parang pagod na pagod ako kahit di naman ako napapagod talaga coz sanay na ko magwork sa ganitong propesyon..dinaan ko sa tulog ang nararamdaman ko at baka kako naiwan pa ung kaluluwa ko sa higaan kaya wala ako sa hulog ng araw na to..un nga, nainspire na naman ako magtype kaya nashare ko ang "sirang araw" ko..
God was telling me na everthing that happens in our life is about our decisions that we make..siguro kung di na lang ako nagpadala sa "5 mins syndrome"di masisira araw ko, kng di na lang ako sumagot kay soopy at sinalubong ang galit nya, di rin ako maapektuhan.Kailangan lang na maging matalino tayu at mabilis magisip sa mga consequences ng mga desisyon natin..oo, lahat tyu ay may kanya kanyang flaws and "bad day" na tinatawag, pero kay Lord, lahat ng araw na binigay nya sa buhay natin since magising tyu hanggang sa pagtulog is punong puno ng pagpapala,never nya tyung binigyan ng "bad day" coz ang biyaya nya ay sapat sa araw araw.kailangan lang natin gamitin ung pagiging kristiyano natin sa lahat ng aspeto ng gagawin nating mga desisyon...so ang solusyon, matulog ng maaga at wag magpuyat!!hehehe...

Tuesday, September 6, 2011

Sino nga ba siya para sa akin?

Sarap ng off!!after 3 weeks kong naburo dito sa loob ng BYC, sa wakas nakalabas na rin ulit ng syudad!!hmm, daming nagbago ah, renovated na KFC sa adliya, bagong mga bukas na coldstore, buildings sa may Seef area at madami pa na di ko na halos alam kung bago nga ba o matagal ko na lang din na di nakita..off ko kaya pupunta ako ngaun sa bahay ng aking iniirog na darling, hmm, anu ba meron sa salitang "ling" at ayaw na ayaw nyang tinatawag ko siya ng ganun?parang matanda raw..sa akin naman ay pinaikli lang na darling un, ako naman kasi ay  classic na tao, or much better na sabihing "baduy" na sa mga panahon sa ngayon.walang problema kung gustong gusto ko pa rin ang mga awit ni april boy, iaxe, the boss, freddie aguilar, father and sons, at kung sino sino pang mga baduy sa pandinig ng ibang tao na sumikat sa panahon ng dekada 90..im proud kasi doon ako nanggaling sa dekadang iyon kasi nga ang mga tugtog noon ay napakaromantiko, ramdam mo ang sinseridad ng isang awitin na di gaya ngaun na puro naman rock at mga iyak ng gitara o kaya naman ay kabog ng bass drum sa isang lovesong na kanilang tinatawag sa ngayon...

TEE class ko rin ngayon sa BCF,book 1 pa lang ako pero i tell you, interesting itong klaseng ito kasi nga ay marami ka talagang matututunan, ang teacher ba naman ay walang iba kundi ang senior pastor ng BCF church..(ttedddenng!!!)pastor freddie cudiamat, napakatalino ng pastor naming ito at makwela rin, di ka maboboring sa kanya,,he reminds me of our pastor sa lokal na church ko sa Pinas, siyang siya!!

Hmm, bat nga ba ako andito sa isang Born again church?katoliko naman ako pagkasilang pa lang..

1st year high shool ako nuon ng ako ay maimbitahan ng aking kaibigan na umattend sa kanilang "valentine fellowship" sa kanilang church, nagkataong ung crush ko ay anduon kaya naman umoo agad ako, valentine eh, alam mo naman pag High school, "tagsibol".So ayun nga umattend ako ng di nalalaman kung ano ba ang inaantendan ko na "fellowship"...
kanta dito, kanta doon ng pang langit na awitin na ang akala ko ay mga awiting gaya ng "it might be you" ang maririnig ko, chus, "halleluya, halleluya", anu daw?kunot noo ako sa mga nangyayari..tama ba ang nasa banner na valentine fellowship ang inaatendan ko?
kapaglaon nga ay may tumayo sa harapan na babae,  nagpakilala siya bilang si "ate liza" daw at cya daw ang head ng mga juniors....isang ministry na pangkabataan.so samakatuwid ito pala ay isang fellowship na patungkol sa pagmamahal ng Diyos sa tao at puro mga makalangit na aral.Wow!!its a trap!! naisip ko na lang..so sige lang kako, nakinig lang ako sa mga sinasabi nya at mamaya lang e matatapos na din naman ito, may isang babae pa ang tumayo sa harapan at siya pala ang "guest speaker" ng gabing iyon..she talk more about the love of God towards people,..ang verse?xiempre JOHN 3:16!!
di ko alam kung bakit dahan dahan ay nacoconvince ako sa mga sinasabi nya, mukang may sinasabi nga ang mga born again na ito ah..so after ng preaching nya is nanalangin siya, ..sigurado ako sa puso ko na may natanim kahit papaano sa mga narinig ko, kasi nga ay naging curious ako kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa tao, kasi naman sa katolikong simba ay makikinig ka lang ng sermon tuwing linggo na wala namang malalimang paliwanagan,,di pa tugma ang scriptural reading sa homily ng pari..kumbaga kulang.
Nang mga sumunod na Linggo ay inimbitahan naman ako ni pong sa kanilang sunday service,ang tagal ng service na ito!!830 hanggang 11am, abay napakatagal naman palang magsipanalangin ng mga taong to, talagang isa isa ang mga pinapanalangin!!at ayun na naman ang preaching ng pastor na umaabot sa lagpas 1 oras, wow...di kaya siya matuyuan ng laway nun??kahit anong pilit kong ilayo ang isip ko sa kaniyang mga sinasabi, lahat un ay natatandaan ng puso ko,,may ginagawa na pala si Lord sa akin..may nagfafarmville na pala sa puso ko ng mga pagkakataong iyon..
nasundan ng nasundan ang mga pagattend ko sa sunday service na iyon at pati na rin sa juniors fellowship namin, nakalimutan ko na ang talagang pakay ko na si "crush"..teka lang, handa ko na bang talikuran ang Simbang gabi??ang Fiesta??ang mga inuman at mga barkada kong tambay sa daan na ang inaatupag ay magbasag ng bote kapagka lasing?ang rock and roll? mga Party??handa na rin ba ko sa mga sasabihin ng tropa ko at mga kamaganak na "Brother" na may lamang ibang kahulugan na may pagtuya o pangaasar?? ah..bahala na, ako naman ang nagdadala nito, sarili kong desisyon ito at alam ko na ito ang mas tama,,Di nga naglaon ay tinagggap ko na din si Jesus.Nagpabautismo ako sa tubig na siyang ginagawa upang maging ganap na born again.kay sarap ng feeling!!pero di pala ganun kadali iyon...

napakaraming mga pagsubok ang hinarap ko sa buhay simula ng akoy maging Born again,,,feeling ko lalong lumakas ang tawag ng alak, party, pati mga pagtuya at pangaasar ng mga kaibigan ko pag napapagusapan ang relihiyon..feeling ko kakaiba ako, ako lagi ang napapagtripan kumbaga..kahit sa mga magulang ko minsan iyon ang nararamdaman ko pag pinapagalitan ako.nadadamay pati ang pagiging born again ko...whew..di yata tama to kako na lang...
nagpatuloy lang ako sa pagiging born again at pumasok din ako sa mga ministry ng simbahan.Naging kabahagi ako ng music ministry bilang drummer, vacation bible study,at naging active lalo na sa Juniors na kinapapabilangan ko.expose dito expose doon, stage play d2 stage play doon..hay, kakapagod...dumating nga ako sa puntong feeling ko is punong puno ako, masyado akong abala sa mga ministry, ngunit nakakalimutan ko na ang tunay na ministry pala ay nagsisimula sa sarili..pagyamanin muna ang sarili sa salita ng Panginoon at ipamuhay kung ano ang kalooban nya..isang simpleng tisod mula sa kapatiran ay tumagilid ako,

TUMBA, TAGILID, KNOCKOUT, BACKSLIDE!!!
iyon nga ang nagyari sa akin, feeling ko lahat ay napunta sa wala.Basura!!trash!!!
Lumayo ako sa Church at sa mga kasamahan ko sa iglesia, totally nawala ako sa sirkulasyon, nanlamig sa pananampalataya..sinabayan pa ng pumasok ako sa kolehiyo na talagang ubos ang oras ko sa pagaaral at paglalakwatsa..di ko namalayan unti unti na pala akong bumabalik sa dati kong katauhan, inom dito, inom doon, tambay, lakwatsa, lahat nasubukan ko bilang isang teenager na tila ba isang sanggol na  uhaw gatas ng ina.Im ruined, walang totoong Diyos, sabi ko, kung meron man bakit nya ko pinapabayaan na maging ganito, bakit lahat na lang nasira at nawala sa kin, ang daming bakit...

Si Tuts bilang isang ateista

atheist nga daw kung tawagin ung mga taong walang kinikilalang Diyos, hmm, siguro i consider myself as an atheist kasi, di ako nananalangin, nagsisimba kahit sa katoliko, wala akong tinatawag na Diyos.
siguro nga tama ang mga atheist na ang Diyos ay gawa lamang ng katalinuhan ng tao, para mayroon siyang katakutan,  o gawin isang bussiness, ang mga bagay na patungkol sa Diyos ay pawang likha lamang ng imahinasyon, Mind over matter,  Iyon ang isipin mo at mangyayari nga iyon, kung hindi, may iba ka pang bagay na pedeng ikonsidera.Ang lahat ng nangyayari sa buhay mo ay dahil sa iyong mga desisyon na ginagawa.

Muling Pagtanggap

di tama ito,di ako pinalaki sa ganito, mali eh, mali!!yan ang mga salita na pilit kumakawala sa puso ko taong 2009, mayroong Diyos at tunay siyang buhay.manalangin kang muli at tanggapin si Cristo sa puso mo at talikuran kung ano ang nagawa mong mali sa buhay, may pagbabago pa at di pa huli ang lahat!!naglalaban ang puso at isipan ko sa mga salitang ito..gulong gulo ako, ive realize, hindi ako to, di ako ganito dati..bakit ang gulo ko, ang sama ko!!ako na yata ang pinakamasama!!
tinawagan ko si "ate liza" sa amerika kung saan cya doon na nakabase, at doon ko nailabas lahat ng mga emosyon na gusto ng kumawala sa puso at lahat ng iyon ay sumabog, durog na durog ako sa kahihiyan at sa kalungkutan na aking mararamdaman ng pagkakataon na iyon, pareho kaming umiiyak at lahat na yata ay nailabas ko na, oh, anong sama ko!!!we pray over the phone and then doon ko narealyze muli na may Diyos nga na nagpapahalaga sa ating mga buhay, nagmamahal ng tunay, at ngooffer ng kapayapaan sa buhay.Tinanggap kong muli siya sa aking buhay bilang si Cristo at tagapagligtas.wow!!what a relief!!feeling ko isa akong bagong silang na sanggol na puno ng pagasa sa buhay, lahat ay bago!!ito ang tunay na kapayapaan!!

hanggang sa ngayon ay magpapatuloy ako sa pagattend ng gawain ng church although wala akong mga inaatendan na service kasi nga ay may pasok ako sa trabaho ngunit nakapagenrol naman ako sa TEE, atleast my feeding pa rin ako, iba talaga si Lord pag siya ang kumilos, di ka basta basta mawawalan bastat naisin mo lang ang kaniyang kalooban.sabi kanina sa klase ay "the old has gone, the new has come".hmm, para sa akin ay lahat tayong mga tumaggap kay Cristo ay bago na, ngunit wag din natin na kalimutan na tayo ay tao lamang at wala pa sa langit kaya lahat tayo ay maaari pa ring magkasala, itempt ng kaaway, at sundin ang ating own will,,pero dahil ng tayo ay na kay Cristo na, mayroon na tayong "conviction"kung gagawin ba natin ay tama o mali.

Sino siya para sa akin??

Siya ang aking Diyos at tagapagligtas..

Sunday, September 4, 2011

chef tuts..the beginning..


Hamza, Suresh, Soopy, Arun, Prasad, Tuts, Gangga

Grabe, feeling ko sulit lagi ang bayad sa akin, ganito na lang lagi pag ang kasama ko sa duty e itong si "executive chef" na si Hamza,isang indian na galing sa kerala india.di ko alam kung bakit naging executive chef tong taong to, di naman marunong magspell ng ingles at magsulat ng maayos, ultimo spelling ng best seller naming dish dito sa Bahrain yacht club, imbes na chicken curry, ang  sinusulat nya sa billbook e chiken carry,anu daw???buti na lang nangggaling din ako sa ganung klaseng magspell nung bata pa ko.kaya pag babasahin ko ang order ay nagtatanong pa ko sa kanya kung ano ang order,imbes na mapadali, lalong napapatagal.at naku kamo pa,,sa lahat ng nakita kong kusinero, cya itong ubod ng kalat, di marunong magbalik o magsaayos ng mga ginamit sa kusina, mistula tuloy binagyo ang prep table namin pagkatapos ng isang order, parang palengke!!hahaha, minsan or madalas tinatawanan ko na lang ang katamaran ng taong to, napapailing na lang ako sa ugali meron ang panang to.opps, di pa ko tapos sa kanya, tutal andito na to eh, nailabas ko na sama ng loob ko,ubod pa kamo ng yabang ang taong to, akala moy pgkaguwapo, kalakas naman  ng amoy!kaya pag summer, naku, kahit ako na lang ang magkikilos, wag lang mga kasama ko kasi tiyak pag napagod, sisingaw ang amoy!!hahaha..kyu na lang tumingin sa litrato namin sa taas para makilala nyo naman kung sino ang mga kasama ko sa trabaho.
pero, gaanu man ako kainis o kapagod sa trabaho, lagi ako nagpapasalamat sa Panginoon kasi siya ang nagbigay sa akin ng trabaho na ito, na noong bata pa ko ito na ang pangarap ko..Paano?

Noong ggraduate na ako sa high school, culinary arts ang gusto kong kuhanin sa kolehiyo, ung nga lang dahil kapos naman kami sa pera, naenggganyo ako sa pinsan kong si jojit na kunin na rin ang kursong kaniyang inaaral noon na associate in marine transportation,,na kapagka graduate mo eh, makakasampa ka daw sa barko kaagad.O cya cge , aral naman si kolokoy, at ayun nga sa pagpapala ng Diyos eh nakagraduate din ako ng kurso na ito year 2000 pero sa taong 2002 pa ako nakasampa ng barko,sa isang kompanya sa pilipinas na siyang nangunguna sa domestic shipping industry,ang "Superferry".at ang trabaho ko??hindi deck cadet gaya ng inaasahan ko sa kurso ko..nuong una ako ay tagabenta ng mga kung ano anong klaseng pagkain sa barko, na ang sistema ay ilalako sa bawat deck ng barko na may pasahero,,ang tawag sa amin ay "rover"..wow,sa umpisa  di ko alam kung paano ko nagawa ang ganitong tagalako ng mga pagkain,,nahihiya ako kasi ba ang dating e naging sosyal lang kasi nga nakasakay kami ng barko pero kung tutuusin, walang kaming pinagkaiba sa yosi vendor sa kalye!buti na lamang ay natutunan ko ang mag cashier kaya di naglaon ako ay nadestino na lamang sa isang outlet ng barko, hay, promoted kumbaga..un nga lang tagabenta pa rin ng "sarisari store".di ko naman pinagsisihan ang naging buhay ko sa barko kasi nga ang benefits na nkukuha nmin doon ay nakakapamasyal ka na ng libre sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, may sweldo ka pa, may babae ka pa!!bastat magaling ka lang mambola.Taong 2004 ng ako ay bumaba ng barko, hmm..nghanap ng ibang kapalaran kasi nga ayokong maging pabigat sa amin, tsaka sino ba namang tao ang gustong tumambay na lang.kung mayaman ako bakit hindi, e kaso kami ay mahirap lamang.pagkatapos ko sa Superferry, naging lifeguard naman ang sumunod kong trabaho doon sa isang resort sa aming lugar, ang Jed's island resort, one of the biggest resort in luzon.,,kasarap din namang magtrabaho doon, may libreng swimming ka na, tiyak namang malilibang ka sa dami ng tao na animoy mga itik na nagsisipaligo sa isang malaking batya.nagtagal din ako doon ng kulang 2 taon kasi nga ako ay naging regular na lifeguard kahit hindi summer.
Taong 2007 ng ako ay magapply paabroad naman, eto nga sa bansang bahrain, di ko nga alam na may bansa palang Bahrain..san ang bagsak ko?sa Jasmis restaurant, isa sa pinakasikat na fastfood chain dito sa bansang arabo, hmm, walang problema kako, ang mahalaga ay makapagabroad at maiba ang buhay, tsaka kako di ko na kinakailangan manibago kasi nga akoy galing na rin sa fastfood sa pinas, madali na lamang ito, kaunting adjustment lamang.ao aun nga, nagpatuloy ang mga araw di ko namalayan na nakakadalawang kontrata na pala ako sa Jasmis, naisip ko, walang mangyayari sa akin kung sa fastfood ako tatanda, di habang buhay ako ay malakas at pepede sa ganitong uri ng okupasyon.wala akong "true identity" kumbaga matatawag na doktor, nurse, abogado, engineer, architect, malayo sa mga ganoong kategorya

.Nang malapit na matapos ang pangalawang kontrata ko, ako ay nagapply apply na sa pamamagitang ng internet, diyaryo, at mga sabi sabi ng mga kaibigan..kung saaan may opening, cge lang pasok, apply d2 apply doon..nakalimutan ko na kung ano talagang trabaho ang gusto ng puso ko..matagal din kaming nagppray nga aking kasintahan na si jinky patungkol sa aking planong paglipat ng trabaho, ang aming panalangin ay maayos na trabaho, disenteng sweldo, at ung will nga ni Lord.Hanggang dumating nga ang isang araw, tinawagan ako ni jinky kasi may mag email sa akin para sa isang trabaho na inaplayan ko..Chef ang hanap..hala sabi ko na lang sa sarili ko, bakit ako tinawagan nito e di naman ako Chef?fastfood worker ako.baka pumalpak ako dito o kaya isa lamang ito sa mga interview na ang susunod na sasabihin sayo ay, "dont call us, we will call you".hay, bahala na sabi ko, mahalaga puntahan ko para makita na interesado ako.Sus!!pagkakataon nga naman, nasabay pa sa isa pang interview, ito namay kako baka umayon kasi nga ang hanap ay fastfood worker din,so samakatuwid, may edge ako dito.Dumating ang araw ng interview, 1pm ang usapan sa unang interview ko sa EZ burger, at 4pm naman sa Bahrain yacht club, alas 3 na di pa ko naiinterview sa EZ burger!sabi ko, kung di ako umabot e di hindi na lang ako pupunta kako.4pm na ako natapos s interview ko, so ininform ko na lang ang BYC na di na ako aabot kasi nga nasa seef area pa ako e ang BYC ay sa Sitra, parang north to south, east to west kumbaga.sabi sa akin ni maricel ay humabol daw ako at ipapaalam nya na malalate ako, sabi nya sayang kasi ang interview kung di mo sisiputin, tanong ko kung ilang na ba ang nainterview?"mga lima na kuya", para bang nawawalan na ako ng pagasa kako baka mapamasahe lang ako nun e kailangan ko ng mgtipid kasi nga lumilipat na ako ng trabaho, bawat dinares mahalaga.hay, nagtatalo ang aking damdamin kung pupunta pa ba ako o uuwi na lang ako at makukuntento na ako sa EZ burger na nagooffer sa akin ng 200, pero walang bahay, transportation lang.so ang labas e 140bd  to 150 bd lang ang takehome pay ko.hmm, pede na kesa sa dating 115 bd, atleast nagtaas naman, hehehe.dumating ang sundo ko ng mga 4:30 na yata, sbi ko sa kanya kailangan naming umabot sa BYC ng alas singko kasi nag raw aantayin ako ng interviewer.naku parang lumilipad kami ni subeer sa bilis ng pagmamaneho nya, lahat ng pedeng ishortcut pinapasok namin, pati nga ung sa may ginagawang tulay, deadend pero pinasok namin, kahit sumayad ung ilalim ng sasakyan nya sa gutter ng bangketa, ok lang daw sabi nya makarating lang kami kaagad.jan ako bilib sa driver ko eh, da best na, mabait pa.saktong alas singko ako kami makarating sa BYC, takbo agad sa interviewer, patay kako, parehong Briton..mapapalaban ang english ko neto.so aun, tanungan dito tanungan duon ang ngyari,..my best dish kako??sinigang!!teacher??si nanay xiempre..natapos ang interview ng mga 15 minutes din un.grabe kako, napalaban ang english ko, pero im quiet satisfied with what ive said kasi ramdam ko naman pag may out of this world akong sinagot eh, babalik balik sa isip ko ung kapalpakan ko.pagpray na lang kako kung alin ang ibibigay ni Lord sa akin..After a week, nakatanggap ako ng email galing BYC nag ooffer sa akin ng mas disenteng halaga, may bahay na at libre ang pagkain, un nga lang sa compound ka  mismo ng BYC nakatira..hmm mababa kako, pero sa puso ko at isipan ay ito ang gusto ko kasi nga "Chef",nakaunipormeng long sleeves na puti at checkered na pantalon.pinagpray namin ni jinky na ito na ang kukunin kong trabaho kasi nga duon ay maggrow ako at mas makakabuti ito para sa future namin ni jinky, kumbaga pede ko ng pagtandaan ang ganitong propesyon, ika nga din, may "true identity" na ako, matatawag na akong "Chef tuts".

So ayun nga, isa na akong "chef" ngaun pero kung talagang ilalagay mo sa category is kami ay nasa "commis" kasi ang isang chef ay ung halos marunong na sa lahat, at bossing na sa kusina, utos dito utos doon na lang ang ginagawa.kakaunting luto na lang.gayunpaman, masaya na ko na pag sinabing chef ka, kusinero ka para sa mga di nakakalam ng tunay na kahulugan nito...duon ko muling naisip ung pangarap ko noong ako ay papasok sa kolehiyo na gusto kong kumuha ng culinary arts, ito ang naging trabaho ko kahit hindi ako naggraduate ng kursong iyon.napakahusay talaga ng Panginoon!!sabi nga ni Pastor Rommel Guevarra," ung mga panalangin natin na nakalimutan na natin, sa Panginoon, hinding hindi nya makakalimutan yon."Dun ako lalong bumilib sa Diyos kasi di nya ipinagkait sa akin ung pangarap ko na maging kusinero...

ang natutuhan ko habang tinatype ko to, maging masaya sa trabaho kasi ito ung pangarap ko, kahit anung pagod o hirap ang danasin ko sa kusina, kahit ilang paso o hiwa ang tamuin ko,kahit feeling ko argabyado na ako sa mga kasama ko...masaya akong magluluto kasi natupad ang pangarap ko..
hanggang sa muli!!

Saturday, September 3, 2011

welcome tuts!!

wow!!at last may blog n rin ako, so i am officially a blogger!!yahoo!!my madadagdag na naman sa address ko.haha!!ahm..matagal na rin akong nagiging tagabasa lang ng mga blogs and i find them very amusing,nakakarelate ako minsan sa mga experiences ng mga nababasa ko and most of the time, naiinspire ako..ewan ko ba, kanina ko pa talaga iniisip habang nakaduty ako na gagawa ako ng blogsite ko para my paglibangan din naman ako pag trip ko lang, at tsaka dapat may purpose ang lahat ng isusulat ko d2, ung tipong may maiinspire..ah..ewan, basta mahalaga may paglalabasan ako ng kung ano ang nararamdaman ko pg sinisipag ako humarap sa computer.sa mga susunod na araw is sana sipagin ako ulit pra may maishare naman ako sa inyo bout experiences sa trabaho,,,lovelife,,news,,tsismis kahit korning mga joke, pagtyatyagaan na natin at kung anu ano pang mga bagay d2 sa mundong ibabaw..ahm,,nga pala, praktis pa lang ito, yaan nyo sa susunod ieexplore ko pang lalo kung paanu gamitin lahat ng buttons ng blog na to,,heheh!!