Sarap ng off!!after 3 weeks kong naburo dito sa loob ng BYC, sa wakas nakalabas na rin ulit ng syudad!!hmm, daming nagbago ah, renovated na KFC sa adliya, bagong mga bukas na coldstore, buildings sa may Seef area at madami pa na di ko na halos alam kung bago nga ba o matagal ko na lang din na di nakita..off ko kaya pupunta ako ngaun sa bahay ng aking iniirog na darling, hmm, anu ba meron sa salitang "ling" at ayaw na ayaw nyang tinatawag ko siya ng ganun?parang matanda raw..sa akin naman ay pinaikli lang na darling un, ako naman kasi ay classic na tao, or much better na sabihing "baduy" na sa mga panahon sa ngayon.walang problema kung gustong gusto ko pa rin ang mga awit ni april boy, iaxe, the boss, freddie aguilar, father and sons, at kung sino sino pang mga baduy sa pandinig ng ibang tao na sumikat sa panahon ng dekada 90..im proud kasi doon ako nanggaling sa dekadang iyon kasi nga ang mga tugtog noon ay napakaromantiko, ramdam mo ang sinseridad ng isang awitin na di gaya ngaun na puro naman rock at mga iyak ng gitara o kaya naman ay kabog ng bass drum sa isang lovesong na kanilang tinatawag sa ngayon...
TEE class ko rin ngayon sa BCF,book 1 pa lang ako pero i tell you, interesting itong klaseng ito kasi nga ay marami ka talagang matututunan, ang teacher ba naman ay walang iba kundi ang senior pastor ng BCF church..(ttedddenng!!!)pastor freddie cudiamat, napakatalino ng pastor naming ito at makwela rin, di ka maboboring sa kanya,,he reminds me of our pastor sa lokal na church ko sa Pinas, siyang siya!!
Hmm, bat nga ba ako andito sa isang Born again church?katoliko naman ako pagkasilang pa lang..
1st year high shool ako nuon ng ako ay maimbitahan ng aking kaibigan na umattend sa kanilang "valentine fellowship" sa kanilang church, nagkataong ung crush ko ay anduon kaya naman umoo agad ako, valentine eh, alam mo naman pag High school, "tagsibol".So ayun nga umattend ako ng di nalalaman kung ano ba ang inaantendan ko na "fellowship"...
kanta dito, kanta doon ng pang langit na awitin na ang akala ko ay mga awiting gaya ng "it might be you" ang maririnig ko, chus, "halleluya, halleluya", anu daw?kunot noo ako sa mga nangyayari..tama ba ang nasa banner na valentine fellowship ang inaatendan ko?
kapaglaon nga ay may tumayo sa harapan na babae, nagpakilala siya bilang si "ate liza" daw at cya daw ang head ng mga juniors....isang ministry na pangkabataan.so samakatuwid ito pala ay isang fellowship na patungkol sa pagmamahal ng Diyos sa tao at puro mga makalangit na aral.Wow!!its a trap!! naisip ko na lang..so sige lang kako, nakinig lang ako sa mga sinasabi nya at mamaya lang e matatapos na din naman ito, may isang babae pa ang tumayo sa harapan at siya pala ang "guest speaker" ng gabing iyon..she talk more about the love of God towards people,..ang verse?xiempre JOHN 3:16!!
di ko alam kung bakit dahan dahan ay nacoconvince ako sa mga sinasabi nya, mukang may sinasabi nga ang mga born again na ito ah..so after ng preaching nya is nanalangin siya, ..sigurado ako sa puso ko na may natanim kahit papaano sa mga narinig ko, kasi nga ay naging curious ako kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa tao, kasi naman sa katolikong simba ay makikinig ka lang ng sermon tuwing linggo na wala namang malalimang paliwanagan,,di pa tugma ang scriptural reading sa homily ng pari..kumbaga kulang.
Nang mga sumunod na Linggo ay inimbitahan naman ako ni pong sa kanilang sunday service,ang tagal ng service na ito!!830 hanggang 11am, abay napakatagal naman palang magsipanalangin ng mga taong to, talagang isa isa ang mga pinapanalangin!!at ayun na naman ang preaching ng pastor na umaabot sa lagpas 1 oras, wow...di kaya siya matuyuan ng laway nun??kahit anong pilit kong ilayo ang isip ko sa kaniyang mga sinasabi, lahat un ay natatandaan ng puso ko,,may ginagawa na pala si Lord sa akin..may nagfafarmville na pala sa puso ko ng mga pagkakataong iyon..
nasundan ng nasundan ang mga pagattend ko sa sunday service na iyon at pati na rin sa juniors fellowship namin, nakalimutan ko na ang talagang pakay ko na si "crush"..teka lang, handa ko na bang talikuran ang Simbang gabi??ang Fiesta??ang mga inuman at mga barkada kong tambay sa daan na ang inaatupag ay magbasag ng bote kapagka lasing?ang rock and roll? mga Party??handa na rin ba ko sa mga sasabihin ng tropa ko at mga kamaganak na "Brother" na may lamang ibang kahulugan na may pagtuya o pangaasar?? ah..bahala na, ako naman ang nagdadala nito, sarili kong desisyon ito at alam ko na ito ang mas tama,,Di nga naglaon ay tinagggap ko na din si Jesus.Nagpabautismo ako sa tubig na siyang ginagawa upang maging ganap na born again.kay sarap ng feeling!!pero di pala ganun kadali iyon...
napakaraming mga pagsubok ang hinarap ko sa buhay simula ng akoy maging Born again,,,feeling ko lalong lumakas ang tawag ng alak, party, pati mga pagtuya at pangaasar ng mga kaibigan ko pag napapagusapan ang relihiyon..feeling ko kakaiba ako, ako lagi ang napapagtripan kumbaga..kahit sa mga magulang ko minsan iyon ang nararamdaman ko pag pinapagalitan ako.nadadamay pati ang pagiging born again ko...whew..di yata tama to kako na lang...
nagpatuloy lang ako sa pagiging born again at pumasok din ako sa mga ministry ng simbahan.Naging kabahagi ako ng music ministry bilang drummer, vacation bible study,at naging active lalo na sa Juniors na kinapapabilangan ko.expose dito expose doon, stage play d2 stage play doon..hay, kakapagod...dumating nga ako sa puntong feeling ko is punong puno ako, masyado akong abala sa mga ministry, ngunit nakakalimutan ko na ang tunay na ministry pala ay nagsisimula sa sarili..pagyamanin muna ang sarili sa salita ng Panginoon at ipamuhay kung ano ang kalooban nya..isang simpleng tisod mula sa kapatiran ay tumagilid ako,
TUMBA, TAGILID, KNOCKOUT, BACKSLIDE!!!
iyon nga ang nagyari sa akin, feeling ko lahat ay napunta sa wala.Basura!!trash!!!
Lumayo ako sa Church at sa mga kasamahan ko sa iglesia, totally nawala ako sa sirkulasyon, nanlamig sa pananampalataya..sinabayan pa ng pumasok ako sa kolehiyo na talagang ubos ang oras ko sa pagaaral at paglalakwatsa..di ko namalayan unti unti na pala akong bumabalik sa dati kong katauhan, inom dito, inom doon, tambay, lakwatsa, lahat nasubukan ko bilang isang teenager na tila ba isang sanggol na uhaw gatas ng ina.Im ruined, walang totoong Diyos, sabi ko, kung meron man bakit nya ko pinapabayaan na maging ganito, bakit lahat na lang nasira at nawala sa kin, ang daming bakit...
Si Tuts bilang isang ateista
atheist nga daw kung tawagin ung mga taong walang kinikilalang Diyos, hmm, siguro i consider myself as an atheist kasi, di ako nananalangin, nagsisimba kahit sa katoliko, wala akong tinatawag na Diyos.
siguro nga tama ang mga atheist na ang Diyos ay gawa lamang ng katalinuhan ng tao, para mayroon siyang katakutan, o gawin isang bussiness, ang mga bagay na patungkol sa Diyos ay pawang likha lamang ng imahinasyon, Mind over matter, Iyon ang isipin mo at mangyayari nga iyon, kung hindi, may iba ka pang bagay na pedeng ikonsidera.Ang lahat ng nangyayari sa buhay mo ay dahil sa iyong mga desisyon na ginagawa.
Muling Pagtanggap
di tama ito,di ako pinalaki sa ganito, mali eh, mali!!yan ang mga salita na pilit kumakawala sa puso ko taong 2009, mayroong Diyos at tunay siyang buhay.manalangin kang muli at tanggapin si Cristo sa puso mo at talikuran kung ano ang nagawa mong mali sa buhay, may pagbabago pa at di pa huli ang lahat!!naglalaban ang puso at isipan ko sa mga salitang ito..gulong gulo ako, ive realize, hindi ako to, di ako ganito dati..bakit ang gulo ko, ang sama ko!!ako na yata ang pinakamasama!!
tinawagan ko si "ate liza" sa amerika kung saan cya doon na nakabase, at doon ko nailabas lahat ng mga emosyon na gusto ng kumawala sa puso at lahat ng iyon ay sumabog, durog na durog ako sa kahihiyan at sa kalungkutan na aking mararamdaman ng pagkakataon na iyon, pareho kaming umiiyak at lahat na yata ay nailabas ko na, oh, anong sama ko!!!we pray over the phone and then doon ko narealyze muli na may Diyos nga na nagpapahalaga sa ating mga buhay, nagmamahal ng tunay, at ngooffer ng kapayapaan sa buhay.Tinanggap kong muli siya sa aking buhay bilang si Cristo at tagapagligtas.wow!!what a relief!!feeling ko isa akong bagong silang na sanggol na puno ng pagasa sa buhay, lahat ay bago!!ito ang tunay na kapayapaan!!
hanggang sa ngayon ay magpapatuloy ako sa pagattend ng gawain ng church although wala akong mga inaatendan na service kasi nga ay may pasok ako sa trabaho ngunit nakapagenrol naman ako sa TEE, atleast my feeding pa rin ako, iba talaga si Lord pag siya ang kumilos, di ka basta basta mawawalan bastat naisin mo lang ang kaniyang kalooban.sabi kanina sa klase ay "the old has gone, the new has come".hmm, para sa akin ay lahat tayong mga tumaggap kay Cristo ay bago na, ngunit wag din natin na kalimutan na tayo ay tao lamang at wala pa sa langit kaya lahat tayo ay maaari pa ring magkasala, itempt ng kaaway, at sundin ang ating own will,,pero dahil ng tayo ay na kay Cristo na, mayroon na tayong "conviction"kung gagawin ba natin ay tama o mali.
Sino siya para sa akin??
Siya ang aking Diyos at tagapagligtas..