Welcome back tuts!!
All things has been great specially when we talk about "prayer requests"..di ba nasabi ko noon na si Lord di nakakalimot sa mga prayer requests natin khit tayu mismo na nagppray para dun is nakalimutan na..well, God is surprising us this past few weeks!!sabi nga namin ni jinky, minsan nakakatakot na kasi parang lahat na lang ng pinagppray namin is nagaganap na..parang may halong kaba kami at takot na baka ipinapasubo na kami sa isang bagay pagkatapos noon ay dadalhin kami sa isa na namang pagsubok..Hmm..it just a matter of trusting whom we are serving..and who is our God into our lives.dito masusubok kung talagang tapat kami at nagtitiwala sa Kanya..
last 2 weeks ay binaha sa aming bayan sa Pampanga dahil sa bagyong Pedring , inabot hanggang dibdib sa loob ng bahay namin.naaalala ko tuloy nung mga panahon na nasa pinas pa ako at panahon ng mga pagulan at baha..gustong gusto ko na magbaha noong mga elementarya pa kami ng mga pinsan ko kasi nga ay makakapaglaro na naman kami sa tubig.ang sarap kayang maglaro ng bangka bangkaan na gawa sa tsinelas.may isasakay pa kaming mga tau tauhan pra magkunwang mga driver.pinapanuod din namin na magunahang lumikas ang mga langgam at mga bulate, pag maraming bulate na nagsusulputan at mga jumbo pa, naku, senyales na babaha daw. ang makapaligo sa lugar na dati namay walang tubig ay kakaibang experience, imaginin mo maliligo ka sa kalsada o sa tapat ng bahay namin..ah kasarap!!my agos pa!!
pero sa lahat ng sarap ay may kaakibat xiempre na konting sakripisyo.bukod sa paglilikas ng mga gamit at pagtataas, kinakailangan din na tumulong ako sa mga pinsan kong nakatira malapit sa ilog.nasa bandang daan ang bahay namin kaya naman sa amin ang puntahan nila pag ganitong bumabaha. masaya naman pag baha bukod kasi sa makakapaligo sa tubig ay magkakasama pa kaming mga magpipinsan sa bahay, mining gang umagahin kami maglaro at magkwentuhan ay ok lang.wala namang pasok sa school.
Un nga lang...lahat ng banyo at kubeta ay lubog kaya naman ang pag echas ay napakahirap!!sa amin pag ang isang tao ay papuntang bandang ilog at magisa lang, its either pupuntahan ang nalubog na bahay o.. eechas cya!!hehe,,palibhasa bata kaya para sa akin ay napakasarap umechas sa taas ng bubungan, hahaha!!sabay pa kami ng pinsan kong si jeff!!hahaha!!!
un din ung mga panahon na libreng manguha ng saging sa atba, walang mambubulyaw at magbabawal..inaabot ng mga isang linggo sa amin pag bumabaha.pagkatapos noon ay pahirapang linisan naman ng mga gamit at pagbabalik kapag bumaba na ang tubig.no choice kundi ako ang maglinis ng bahay kasi nga ako ung nasa bahay lang at wala namang pasok..Ngayon lang nag iba ang pagtingin ko sa baha, di na ito masaya gaya noong mga bata pa ako kasi nga ngayon ko lang naintindihan na marami palang napeperwisyo pag lumalaki ang tubig..pananim, mga bahay, trabaho, kabuhayan..halos lahat!napaka selfish ko pala at puro pansariling kasiyahan lang ang iniisip ko noon..
until this time ay mayroon pang tubig sa looban pero bumababa na ito, wala na rin sa loob ng bahay namin.si kuya na lang daw ang maglilinis ng bahay kasi ngay wala naman ako..si nanay naman ay matanda na pero alam ko malilinis un, zenaida pa..nuknukan ng mitikuloso sa paglilinis ng bahay at well, sa kanya ko natutunan magorganise ng mga bagay bagay, un nga lang, sa pera,,sablay, hahaha!!!
i hope this week ay matapos na ang baha at para naman makabalik na sa normal ang buhay ng mga taong nalubog sa baha..God bless to those people na naghihirap sa ngaun dahil sa trahedyang to..
si kuya baron habang namamasyal sa baha...
pilahan sa pagkuha ng relief goods!!
manong, magkano hanggang kanto?
highway to pero patang ilog na rin.
kuya ung donut, nababasa..haha!!
mataas ba sa palengke?
looban papuntang daan, sa right side ung pintuan namin.
kuya tokni, masakit ang ulo sa maghapong kahihiga..
i wonder kung nasan na ung mga isda ko?
kabilang daan..
tita lits, inaantay ka na ni kong Esto, posing ka pa rin!!
wer na u?d2 na me..
capalangan local church..binaha din..
sa amin pa rin..
pintuan ng bahay namin..
yan ang Guinto family, hapi pa rin kahit baha!!